Sunday, January 20, 2013

Suliranin ng Agrikultura. Blog#1


Sektor ng agrikultura, itaguyod
Published : Thursday, February 23, 2012


Sa harap ng lumolobong populasyon ng Pilipinas, may mga indikasyon na bumababa ang ating agricultural productivity. Ito’y nangagahulugan na habang dumarami ang mga bibig na pakakainin bumubulusok pababa ang ating kapasidad na gumawa ng pagkain! 

Ito  ang dahilan kung bakit mahal ang pagkain sa ating bansa kaya’t maraming Pilipino ang hindi sapat ang kinakain sa pang-araw-araw.

Batay sa Law of Supply and Demand, kapag marami ang nangangailangan ng isang produkto subalit kaunti lamang ang supply ng nasabing produkto...tiyak sisipa pataas ang presyo nito! 

Panahon na po na tugunan natin ang mababang agricultural productivity ng ating bansa. Kailangan na kumilos ang mga kinauukulan at ibayong itaguyod ang sektor ng agrikultura!

Ang pagpapataas ng ating agricultural output ay isa pang isyu na dapat pansinin ng Kongreso! Sa ganang akin, mas mahalaga ito kaysa sa maraming bagay na inaatupag ng mga mambabatas ngayon!

Kailangan gumawa ng mga panibagong batas at amyendahan ang ilan sa mga umiiral na batas para makatugon sa mga bagong suliranin ng agricultural sector.

Nagrereklamo na ang Food Producers and Exporters Organization, Inc., (PHILFOODEX) dahil kulang na umano ang supply nila ng raw materials para sa paggawa ng processed food. 

Ayon kay PHILFOODEX President Roberto Amores, ang mababang supply at mataas na presyo ng raw materials katulad ng asukal ang dahilan kung bakit bumabagsak ang food exports ng Pilipinas. 

Dagdag pa ni Amores, ang mataas na presyo ng elektrisidad at kakulangan ng infrastructure ay kasama din sa  krus na pinapasan ng food processors.

Samantala, maraming negosyante rin ang nagmumungkahi na amyendahan ang Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) para maka-attract imbes na mag-taboy ng investments sa agricultural sector. 

Sinabi ng aking kumpare na si Federation of Philippine Industries (FPI) Chaiman Jess Arranza na mas makakabuti kung alisin na ang forced acquisition ng privately-owned agricultural lands para huwag na matakot mag-invest ang private sector. 

Ayon kay Jess, dapat unahin ng gobyerno ang pamamahagi ng government lands at idle lands para mapakinabangan at mataniman na ang mga ito.

Ang mga ito’y ilan lamang suhestyon na maaaring timbangin ng Kongreso. Ang importante ay magsabatas na sana ng mga makakahulugang solusyon sa mababang produksyon ng pagkain. 

Nais ko lang  igiit na ang mataas na food production output ang pang-matagalang tugon sa karalitaan.

REAKSYON:

           Sa mga nangyayari sa ating bansa ngayon, kinakailangan na talagang kumilos ng mga taong nasa gobiyerno. Lalo na ang suliranin tungkol sa agrikultura dito sa bansa. Habang tumatagal, dumarami ang mga taong kailangan pakainin. Ang mga lupang dapat ay ibigay sa mamamayan ay dapat nang ibigay upang mapakinabangan ng mga nangangailangan para may pang suporta sila sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Huwag na dapat maging sakim ang mga taong nagmamay-ari ng mga lupang para naman talaga sa mga magsasaka. Kung ito lang ang pinakamagandang solusyon upang malutas ang problema sa mababang produksyon ng pagkain ay sana umpisahan na.

           Dapat na rin matugunan ang kakulangan ng mga raw materials upang makagawa ng mas maraming suplay ng produkto. Sana man lang ay maisip ng mga tao sa itaas na maraming taong naghihirap ngayon at nakikisabay pa ang mga nagmamahalang bilihin ngayon. Sa nangyayari ngayon, mabubuhay pa ba ng maayos ang mga tao lalo na ang mga naghihirap kung wala na nga silang sapat na pera upang makabili ng mga kailangan nilang mahal ang presyo? Kaya naman sana ay sa lalong madaling panahon ay may gawin na ang kinauukulan upang masolusyunan ang suliraning ito bago pa ang mga bagay-bagay na hindi naman ganun kahalaga.


-Ritchel Viana
X-SVDP             

No comments:

Post a Comment